Ating alamin…
Marahil ay alam niyo naman kung sino ang ating Kongresman. Ano ang mga nagawa at ginagawa niya sa ating Kongreso? Ang bawat isa sa kanila ay may mga nakalaan na pondo galing sa ahensya ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala (Department of Budget and Management) ating gobyerno. Eto ay tinatawag nilang Priority Develelopment Assistance Fund (PDAF) upang gamitin para sa mga nasasakupan nilang mga distrito. Saan ginamit ang mga eto at tayo rin ba sa Sison ay nakinabang dito? Ating alamin…
Cong. Mark O. Cojuangco sa Kongreso.
PDAF report for 5th District of Pangasinan.
Advertisement
Explore posts in the same categories: Uncategorized
February 18, 2009 at 1:55 am
Total amount allocated for Sison.
2003 – 4.3M
2004 – 1.5M
2005 – 750K
2006 – 0???
Hmmm… bakit parang bumaba ng bumaba yata hanggang nawala na sa 2006? Pag upo ni Mayor Kimi na kanyang asawa nung 2007 hanggang ngayong 2009, naging magkano na kaya? Saan puwedeng malaman kung saan inilaan ang mga pondong eto?
February 19, 2009 at 11:10 pm
saan napunta ang pondo noong term ni Lagmay? ewan ko din po, share mo rin kung malaman mo
.. pondo ngayong term ni Cojuangco, may nabasa ako nun na bukas daw ang libro sa munisipyo para sa sinuman na may gustong malaman kung saan napupunta ang pondo, puntahan kaya natin para malaman natin, hehe. di ko pa mahanap yung article na yun, share ko pag nahanap ko na.
April 22, 2010 at 11:09 am
Sa Ating Mahal na Kongresman,
Maari po ba naming malaman o makita ang PDAF Report ng 5th District of Pangasinan sa taong 2007 hanggang 2009 na inyong pinamumunuan?
Maraming salamat po.